Ako ay Lahing Pilipino
Kadalisayan ng puso ang natatangi
Pagka Pilipino ay di ko itatangi
Sapagkat lahing ito ang nagwawagi
Sa puso ko at damdamin ay minimithi
Inulan ng maraming pagsubok
Hinagupit ng maraming trahedya
Pilipino'y nanatiling bumabangon at tumatawa
Talagang kahanga-hanga ang ipinapakita
Nagdaan na ang maraming panahon
Teknolohiya man ay unti-unting nagbago
Lahing Pilipino ay patuloy na lumalaban
Sa mga hamon,pagsubok,sarili ay inilalaan
Mapagkawanggawa sa bawat kapwa
Marunong dumamay kahit walang-wala
Kapos man sa pisikal na kayamanan
Ngunit sagana naman sa pagmamahal
Marami na ang mga nagbago
Sa palabas na kaanyuhan ng isang tao
Pati nga sa kilos at salita
Ngunit nanatiling Pilipino ay matibay
At sa Diyos ay patuloy na naniniwala
Lahing marunong gumalang ng mga bata't matatanda
Dugo, pawis at luha ay kinakaya
Pagsubok man ay ipinagwalang bahala
Sa Diyos nalamang ipina-uubaya
Ang mga pilipino ay hindi lang sa isang salita
Pagmamahal ay sa kilos ipinapakita
Sapagkat taglay ang kabutihang loob na ipinupunla
Nang ating ninuno na siyang nagpamana at nag paunawa
Kung iyong marapatin ako ay natutuwa
Sapagkat Pilipino'y lahing nababalitang mapagmahal sa kapwa
Nagpamalas at bumulwak ang kabutihang loob na may pagmamaya
Mapagmalasakit pa sa kapwa
Nagpapasalamat ako kay bathala
Lahing sa kanya ay may paniniwala
Pilipino sa kilos at gawa ay iyong mapupuna
Di ko itatanggi Pilipino ako,sa Pilipinas nagmula
Taas noo kong ipagmalaki at isisigaw sa mundo
Na ako ay lahing Pilipino
Lahing magigiting
Lahing matapat
Lahing marangal at,
Lahing lumulaban sa lahat