ALAMAT NG AHAS
Noong unang panahon ,ang mga ahas ay malayong nakakagala saan mang dako nila gugustuhin.Palibhasa ay may malalakas at makukulay na pakpak at anim na mga paa,ang himpapawid at kabukiran ay madali nilang nalalakbay.Ang kanilang balat ay napakakinis at kaaya-ayang haplusin.Napakaamo nila at sila ay kaibigan ng lahat ng hayop na nabubuhay noon.
Napakalamyos ng kanilang tila musikang tinig.Daig pa ang huni ng anumang huni ng ibon sa gubat.Ang mga ahas ang pinakapaboritong hayop ng diwata sa kagubatan.Napakamasunurin kasi nila ta matapat,tuwang-tuwa ang diwata habang siya ay mamahinga at makikinig sa magandang musikang hatid ng mga ahas.Kinaiingitan sila ng iba pang mga hayop dahil sa pagiging malapit ng diwata sa kanila."Mabuti pa ang mga ahas nakapaglabas masok sila sa kaharian ng diwata,alanm nila ang bawat sulok dito,"ang naiingit na wika ng ibang hayop.May isang pinakaiingatang kahon ang diwata,ito ang kahon ng kapangyarihang nakatago sa kanyang silid na may ginintuang pinto.Nang minsang umalis ang diwata upang subaybayan ang kalagayan ng kagubatan ay iniwan niya ang mga ahas upang pamahalaan ang kanyang kaharian.Bago umalis ay nagbigay muna ng isang mahigpit na bilin ang diwata "Maari ninyong buksan ang lahat ng silid at magmasid sa mga ito ,subalit huwag na huwag kayong papasok sa silid na may ginintuang pinto.Kayo na muna ang mamahala rito"ang bilin nito.Nilibot ng mga ahas ang palasyo upang magmasid sa lahat ng mga nagtatrabaho rito,ngunit ng matapat sila sa pintong ipinagbabawal sa kanila ay hindi nila mapigilan ang napakalaks na tukso ng kinang na nito."Ano kaya ang itinatago ng diwata rito?Baka may iba pang bagay rito na nakadaragdag sa atin ng bkakaibang katangian",ang ng isang ahas.
Tinalo ng matinding pagnanasa ang mga ahas,nilason na nang matinding paghahangad sa kapangyarihan ang kanilang puso.Binuksan nila ang gnintuang pinto,at nakita nila ang isang pedestal,ang kahon ng kapangyarihan .Binuksan ng isa ang kahon at napuno ng liwanag ang boung silid.Nang kanila itong isinara ,ay naghintay muna sila nang kakaibang magaganap sa kanila subalit tila walang nangyari."Tulong!tulongan ninyo ako ,para na ninyong awa!ang nabigla nilang narinig .Dagli silang lumipad upang sumklolo.Nakita nila ang isang unggoy na may palaso sa dibdib,nang haplusin ng isang ahas ang nito ay agad itong gumaling Namangha sila sa bago nilang kapangyarihan.
Nabalitaan ng boung kaharian at kagubatan ang nangyari,kaya dumagsa ang mga sugatang hayop.Nagalak sila sa bago nilang kakayahan,hindi pa lumubog ang araw ay maarami na ang humahanga sa kanila at halos ay sumasamba sa mga ahas sa husay nila sa paggagamot.Nakita nila pwede itong pagkakakitaan ang bagong kapangyarihan,kaya humingi sila ng pilak bilang kabayaran sa kanilang pagpapagaling.Pinasok narin ng kasakiman ang kanilang puso.Galit na galit ang diwata nang matuklasan ang pangyayari,alam niyang binuksan ang kahon ng kapangyarihan "Sinuway nila ang aking utos,mga lapastangan!,hanapin at iharap sila sa akin sa lalong madaling panahon,ang galit na utos nang diwata Nalaman ng mga ahas ang galit na utos ng diwata kaya nagtago sila agad.Noong una ay hindi mahuli-huli ang mga ahas,dahil pag nakaramdam ang mga itong dumarating ang darakip sa kanila ay mabilis silang lumilipad papalayo.Dumatinng ang araw na sila ay nakatulog ng mahimbing dahil sa matinding pagod,dito sila nahuli.
"Mga traidor",gagapang kayo sa hirap at kamuhian kayo ng lahat ng nilalang!Ako parin ang pinakamakapangyarihan sa boung kaharian.Ang iyong kakayahang magpagaling ay mapapalitan ng lasong nakakamatay,mawawala ang iyong magagandang tinigat ituturing kayong kaaway ng lahat.Hindi kayo papayagang makalapit sa mga tao,kung bkayo ay kanilang makikita ay agad kikitilin ang inyong buhay.Nakatatak sa kanilang isip na kayo ay takskil at handang manuklaw anu mang oras!,ang matapang na sumpa ng diwata ng iharap sila sa kanya.
Dagli nawala ang malaki at makukulay na pakpak ng mga ahas at maging ang kanilang mga paa ay naglahong parang bula,pagbigkas ng diwata sa sumpa.Ang dating makinis na balat ay biglang tinubuan ng makapal na kaliskis.Naglaho ang matimyas nilang tinig,ang kanilang mga pangil ay naglalaman na ngayon ng makamandag na lason.Haggang ngayon ay nakikita natin ang mga ahas na gumagapang at nagtatago sa mga liblib na lugar,lagi narin silang kinatatakutan at kinamumuhian dahil sa panganib na dala ng kanilang pangil.Tunay ngang walang mararating ang pagiging sakim sa kapangyarihan,nagdudulot lamang ito ng kabiguan.Sa paggapang ng ahas ipinaalala nito sa mga tao na hindi mabuti ang pagsuway sa mga utos,pagsira sa pagtitiwala sa kapwa at pagkasilaw sa kapangyarihan dahil tanda ang mga ito ng KALAPASTANGAN!!!
napakagandang alamat..marami akong napulot na aral :)
TumugonBurahinNzwkxno coecbjo jowbkpwnu
Burahino nga
TumugonBurahinano ang aral dito?
TumugonBurahin